Thursday, April 15, 2010

Hehehe!

Ayan! pwede na ako ulit magtagalog dito! hehe. Kailangan ko lang kasi mag English sa journal ko kasi i-copy paste ko pa yun para sa documentation namin! New section naman ito sa blog ko. Starting now, may new catergory na ako  na "Funny Stuffs". Dito ko ilalagay syempre ang mga nakakatawang nangyari sakin everyday XD bakit ko pa kasi enixplain eh common sense nalang :)

Here I go:

Hindi naman sa pang iinsulto and no offense but I find it funny talaga kanina XD

Yung ano kasi, yung dating supervisor namin na si Rowena, Mirriam at Albert nag contractual sa Callbox! Magkatabi din kaming apat sa computer table. Si Rowena kasi kanina, nakita niya desktop ni Albert na parang malapad daw yung sa baba na part which is yung Taskbar eh ako katabi ni Rowena tapos si Albert at Mirriam. Siguro nahihiya siya magtanong sa akin kaya nung pumunta si Mirriam sa kanya tinanong niya nalang XD

Any idea sa "Lock Taskbar" dba sa may Windows XP? Ito oh:





















Pagkaright click mo nyan sa blank area eh lalabas ang "Properties" and after clicking it, yan na lalabas.

Eh ang problema, kahit si Mirriam hindi din alam kung paano daw xD

parang ganito kasi gusto niya gawin sa desktop niya:

























Yung sa ilalim lang na part na gusto niya e-extend at makita ang ibang folders niya. So yun, ako nalang nagturo sa kanila kung papano. Sabi pa nga nila, parang wala tayo ganito sa bundok ah hahaha.. Tawa nalang sila. XDD Eh ako tumawa nalang nung nag cr ako, tatawa ba naman ako sa harapan nila insulto naman yun =))


Tsaka supervisor kasi sila namin noon, meaning under kami sa kanila, at kung umasta kasi sila noon, magaling na magaling sila XD Hindi naman sa nagmamagaling ako, kasi kung gayun eh di ko sila tinulungan. I just find it amusing lang talaga. hehe

So ayun, nung magkasama kami ni Jeniel sa finance na naghihintay sa allowance namin, eh sinabi ko sa kanya. Natawa nga din siya eh ampf. Pero hindi ko pa nasabi kay Jessica, ewan ko lang ano reaction niya, eh bestfriend sila noon ni Rowena eh =)) Tsaka malayo kasi ang table niya, nandun siya sa mga new summer OJT. Kami lang ni Jeniel medyo magkalapit ng pc kaya tuwing lalabasd ako na mag weewee eh nakikita niya ako dumadaan lol.

-------

Nung pauwi na kaming tatlo, kami ang unang pasahero ng jeep. Tapos nag-uusap kami una sa OJT namin tapos nalipat ang topic sa Politicians. May ale na sumakay din katabi ni Jessica sa opposite side namin (magkatabi kami ni Jeniel). Eh nung nasabi namin na si Gibo ang bobotohin namin eh sumabat yung matanda! LOL bigla akong nagulat ampf, parang nangagat agad kung sa aso pa eh! LOOOL
Eh sabi niya bakit hindi daw si Noy2x nalang bobotohin namin? Kasi daw si Gibo eh kampon ni Gloria (grabe yung term, kampon talaga XD) eh parang puppet nalang daw ni Gloria siya tapos may makukuha din siya na pera kung manalo si Gibo. Unlike daw kay Cory noon na hindi daw tumaas ang mga paninda noon, tulad ng bigas, gulay atbp. teka nga, si Noy2x yung pinag-uusapan noh? LOOL So after nun, tahimik lang kaming tatlo habang naghihintay sa mga pasahero na sumasakay, puro din siya daldal. Until such time na umalis na ang jeep. Tinitingnan ko nalang sina Jessica and Jeniel sa mukha, at alam na! Ngumingiti sila konti kasi ba naman. Parang nasilent arrow kami kanina biglang tumahimik =))

Kaya one lesson I learned today. Wag kami mag-usap ng mga ganyan sa mga crowded places, baka maya-maya eh ano pa abutin namin lol.

Dapat araw-araw gumawa ako nito, kasi nawawala ang stress ko, kahit nga nagtatype ako now eh parang nawala ang stress ko :))

Bukas naman.

No comments: