Monday, March 1, 2010

Ano ba talaga?!

I've been thinking this one noon pa. Halos pa-iba iba ang takbo ng utak ko paminsan kaya kahit papano di ko na alam ano ba talaga! Kung ano ba gagawin kung decision, kung hindi ba magagalit sina mama sakin.. At ito na iyon!


Since graduating student ako this April 2010, may mga nag-ooffer sakin kahit ngayon pa lang. Dito sa Iloilo, may kakilala si mama na pwede ako i-refer to work. 8k daw ang starting salary at malapit lang talaga sa bahay, pwede siya lakarin nalang. But of course, ako na magbabayad ng monthly internet at kuryente ~_~ Magkano nalang kaya tira sakin?

Yung isang kaibigan ko sa net na nakilala ko sa HGPinoy, si kuya Jabey! Taga Manila siya at nagEB kami dito sa Iloilo last January. Sinabihan niya ako about dun sa possibility na magwork daw ako sa Accenture! Outsourcing Company po siya. Doon ksi sila nagwowork ng mga kabarkada niya at maganda daw dun! Nakapunta nga sila sa iba't-ibang parte ng Pilipinas!

Last but not the least, ang Tito ko sa Manila! Gusto niya din na doon ako magwork! Kasi tulad sa kanya, nagstart din siya sa scratch hanggang sa mataas na position niya ngayon.

According naman kay mama, dito na muna ako magwork sa Iloilo for experience purposes daw. At para makashare naman ako sa kanya ng sweldo ko!

Naguguluhan na talaga ako.. Next time ko ipost yung pros and cons ng bawat isa kung ano ba talaga?!

No comments: